Sunday, March 3, 2013

ANTI - MONSANTO/BIOTECH ACTIONS

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIOTECH AT GMO
Ang DNA o genes ng mga GMO foods ay binago (binawasan o dinagdagan) sa pamamagitan ng genetic engineering. Ayon sa mga kasinungalingan ng mga kompanyang gumagawa nito tulad ng Monsanto, ang mga pagkaing GMO daw ay ligtas at na-pakamasustansya sa katawan ng tao gaya rin ng organic. Ngunit ang katotohanan, ang mga halaman at gulay na ito ay meron o mas nangangailangan ng mga nakakalasong pesticides, herbicides, at mga kemikal na pinaniniwalaang may direktang koneksyon sa mga sakit na tulad ng asthma, organ failure, skin allergies, kidney at liver damage, pagbaba ng fer-tility at maging ng cancer. Mas mahalaga pa sa mga kompanyang ito ang perang kikitain nila kaysa sa seguridad ng kalusugan ng mga mamimili.


ANG KAPINSALAANG DULOT NG MONSANTO SA MGA KATUTUBO
Ang Monsanto ay nagpapautang ng mga patented na binhi na tinawatag na terminator seeds. Ang mga ito ay dinesenyo upang mamatay pagkatapos ng isang taniman. Ginagawa nila ito nang sa ganon ay mas lalong mabaon sa kahirapan ang mga magsasaka. Sa India, may nasa 250,000 na mga magsasaka ang nagpakamatay dahil hindi na nila magawang makipagpalitan, magparami at mag imbak ng mga binhi dahil sa ganitong sistemang pinipilit ng Monsanto. Kapag napatuna-yan ng Monsanto na ang pananim ng mga ordinaryong magsasaka ay kontaminado ng kanilang patented na binhi, pinagbabayad nila ang mga ito sa napakalaking halaga (royalty) kaya napipilitan na lamang ang mga magsasaka na bumili kaysa sa makulong. Sa Haiti pagkatapos ng napakalakas na lindol noong 2010, sinunog ng mga magsasaka ang mga binhing GMO bilang isang simbolo ng pag apak ng kanilang prinsipyong mag imbak at makipagpalitan ng bin-hi. Noong 2005 sa Hun-gary, naging banned ang GMO sa kanilang agrikultura at maging hanggang ngayon ay nag iingat pa rin silang huwag ma-kontamina ng GMO ang kanilang mga pananim. Noong 2011, ipinahinto ng Peru ang pag angkat ng mga GM na mga binhi, baka at mga isda upang protektahan ang kanilang biodiversity. Sa buong mundo, malinaw na ang kagustuhan ng mga ma-mimili ay ang mas ligtas, organic, sariwa at mga lokal na mga gulay at pagkain.



ANG MGA EPEKTO NG GMO SA MGA PAGKAIN AT PANANIM
Dahil sa herbicide na Roundup ng Monsanto, kumakalat ngayon ang mga tinatawag na superweeds o mga damong hindi na basta basta tinatablan ng mga herbicides. At dahil dito, ang mga magsasaka ay mas lalo pang nangangailangan ng mga ma-titinding kemikal para lang puksain ang mga superweeds na ito. Taon taon, ang Monsanto ay naglalabas ng kung anu anong mga kemikal na produktong pamuksa sa mga problemang sakahan na sila rin ang may likha; bagay na mas lalong lumalason sa ating hangin, tubig, at agrikultura. Sa ngayon may mga GM na rin na isda tulad ng salmon na lumalaki ng doble sa orihi-nal na sukat nito na nakatakdang ibenta sa merkado. Karapatan natin na malaman kung ang ating pagkain ay GMO ba o hin-di ngunit mula noong 1996, wala tayong malay na inilabas na pala nila sa merkado ang ibang mga pagkaing GMO. Kara-mihan sa mga industriyalisadong mga bansa ay naglalagay na ng label na “GMO” sa kanilang mga komersyal na pagkain at sa iba naman ay banned na ang mga produktong GMO. Ngunit ang Monsanto ay tutol sa labelling. Kamakailan lang, nagbanta ang kompanyang ito na magsasampa ng kaso laban sa State of Vermont dahil sa kanilang demokratikong paglikha ng batas tungkol sa pag label ng mga GMO, ang Vermont Right to Know Genetically Engineered Food Act (H. 722).



ANG PAGKAGAHAMAN NG MONSANTO
Ang napakalakas na kapangyarihan at impluwensya ng Monsanto sa mga regulasyon at batas ukol sa pagkain sa buong mun-do ay banta sa ating karapatan, kalusugan, kalikasan, at demokrasya. Sa kasaysayan, ang kompanyang ito ay naitatag at yumaman sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga nakalalasong kemikal sa agrikultura, pagsalanta sa mga indigenous na kumunidad at maliliit na magsasaka, at pagsasamantala at pag abuso sa mga batas agrikultura. Noong 2010, gumastos ito ng $120 million sa advertising para kumbinsihin ang mga mamimili sa kasinungalingan na ang GMO ay ligtas. Taliwas sa si-nasabi nito na sila raw ay tumutulong sa mga magsasaka sa buong mundo, ang mga tunay na prinsipyo ng Monsanto ay mono-cropping, pagsira sa natural na sistema ng kalikasan at pag suporta sa mga kurapsyon ng mga nasa gobyerno at negosyong kumikita ng malaki sa pesticides at GMO.




SHUTDOWN BIOTECH COMPANIES!!!

Wednesday, November 21, 2012

WHY MASS AWARENESS?

If we look at the history and present studies, many sincere and concerned scientists exposed the dangers of these chemicals to human consumption. It was proven that many chronic diseases like cancers were caused by these toxic inorganic chemicals. The mainstream media and other social institutions ignore and allow companies to sell and profit from these poisons. In Davao City alone, majority of the populace are dependent and use these substances on a daily basis, from Fast food chains to small community shops. Unfortunately, children are also vulnerable to these harmful additives by consuming foods that are always available inside their school canteen. So Food Freedom wants to confront and challenge the government policies that support the interest of the corporations who produces these toxic substances.

ANO ANG MONOSODIUM GLUTAMATE (MSG)

Ang glutamate ay natural na amino acid na makikita sa pagkain kung saan mayroong protina. Ito ay makukuha sa gatas, mushrooms at isda. Ang monosodium glutamate (MSG) naman ay isang uri ng nakakalasong kemikal na nilikha sa sodium salt ng glutamate na ginawa para pangpalasa na matatagpuan sa mga pagkain. Ito rin ay nasa mga pampalasa na sikat tulad ng ‘Magic Sarap’, ‘Ginisa mix’, at iba pa. Ang Ajinomoto ay isang Japanese Company na gumawa ng MSG o Vetsin.                                                                                                             
ANO ANG MASAMANG EPEKTO NG MSG
Alam ng glutamate industry ang masasamang epekto ng MSG. Alam nila na ito ay lason. Alam din nila na isa ito sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes, adrenal gland malfunctioning, seizures, highblood pressure, sobra sa timbang ng katawan, stroke at iba pang problemang pangkalusugan. Kailangang iwasan ang pagkaing may halong MSG upang hindi magkaroon ng ganitong mga sakit at komplikasyon.                                                                                                                 
ILANG MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA MSG
Ang insidente ng Type II Diabetes ay dumoble noong nakaraang tatlumpong taon (30 years).  Tumaas din ang bilang ng obesity o sobrang katabaan ng mga bata. Ang MSG ay inenject o tinuturok sa mga hayop na nasa laboratoryo para patabain ito at  para masubukan ng mga pharmaceutical companies ang kanilang mga gamot.                                                                                                         
PAANO MAIIWASAN ANG LASONG MSG
Halos lahat ng mga mamimili na hindi bumibili ng pagkaing may MSG ay walang ideya na ang mga “natural flavorings”, “hydrolyzed protein”, “E621” at “spices” ay ang mga simpleng nakatagong pormula ng MSG. Ito ay nagtataglay ng 12% hanggang 40% na MSG. Makikita  ito sa mga processed food sa mga groceries at sa mga health food store. Suriin o basahing mabuti ang nakasulat sa label ng mga produkto. Kung makikitang may nakasulat sa ingredients na MSG, iwasan ito. At kung kakain naman sa restaurant, magtanong  muna kung nilalagyan  ba nila ito ng MSG. Kung maaari din ay iwasan  ang pagkain sa mga fast food gaya ng McDonalds, Jollibee at iba pa. Halos lahat ng kanilang pagkain gaya ng fench fries, hamburger at spaghetti ay may MSG. Bigyang pansin kung ano ang MSG na mas kilala bilang isang food additives na ginagamit ng food industry sa buong mundo. Suriin kung bakit nilalagay nila ito sa pagkain at suriin kung ano-anong pagkain ang nilalagyan nila nito. Alamin ang pinanggagalingan ng MSG at kung ano ang mga delikadong epekto nito.

Here are some articles about MSG, please follow the links:






VIDEOS:

--------------------------------------------

ANO ANG ASPARTAME O MAGIC SUGAR?


Ang Aspartame ay isang napaka delikadong kemikal na hinahalo sa mga pagkain/inumin tulad ng Instant breakfast, breath mints, cereals, sugar-free chewing gum, cocoa mixes, coffee beverages, frozen desserts, gelatin desserts, juice beverages or litre pack, laxative, multivitamins, milk drinks, pharmaceuticals at supplements (kabilang dito ang over-the-counter medicine), shake mixes, soft drinks, tabletop sweeteners, tea beverages, instant teas and coffee, topping mixes, wine coolers, yogurt at iba pa. Ang mga impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng Aspartame ay iniingatan nang itago mula pa noong taong 1980. Base sa mga pagsusuri at sa kasaysayan ng Aspartame, isa ito sa mga kadahilanan ng pagkakasakit ng mga tao dulot ng lason na epekto nito. Ang pag gamit ng mga tao nito, lalo na ng mga babaeng buntis at ng mga bata, ay isang napakalaking trahedya sa ating panahon. Hindi ito pinapaalam ng mga industriyang gumagawa nito dahil sila ay kumikita rito. Bagkus, pinoprotektahan nila ito sa pamamagitan ng pagtago ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa masasamang epekto nito sa publiko. Matapos ang halos dalawampung taon mula ng inilabas sa merkado ang Aspartame, tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit. Napatunayan na ang Aspartame pala ay isa sa dahilan ng mga sakit na ito. Aspartame ang teknikal na katawagan sa mga brands na NutraSweet, Equal, Spoonful, at Equal-Measure. Iniulat sa Food and Drug Administration na mula nang inilabas ito ay tumaas ng 75% ang mga seryosong problema tulad ng seizures, cancer at kamatayan. Ilan pa sa mga dokumentadong sintomas dulot ng Aspartame ay ang migraine, dizziness, nausea, numbness, muscle spasm, rashes, fatigue, tachycardia, insomia, hearing loss, heart palpitations, anxiety attacks, slurred speech, loss of taste, tinnitus, vertigo, memory loss, joint pain, sobra ang timbang, depresyon, iritable, problema sa paningin, at paghihirap sa paghinga. Ayon sa mga mananaliksik at mga doktor na nagsuri tungkol sa epekto ng Aspartame, may iba pang delikadong mga sakit ang pwedeng ma-trigger nito tulad ng brain tumors, multiple sclerosis, epilepsy, chronic fatigue syndrome, parkinson's disease, alzheimers's, mental retardation, lymphoma, birth defects, fibromyalgia at diabetes. Upang maiwasan ang pagkaing may Aspartame, suriin ang mga ingredients ng mga produktong gustong bilhin. Basahin ito ng mabuti sa likod ng mga product labels.  
                                                                                                                  

 Puntahan ang mga links na ito tungkol sa Aspartame o Magic Sugar:



NEWS AND ARTICLES:

VIDEOS:


------------------------------

ANO ANG FLUORIDE?


Ang fluoride ay isa sa mga pinakadelikadong kemikal. Ang kemikal na fluoride na hinalo sa tubig pampubliko ay isang basura gawa ng phosphate fertilizer. Kung ang industriya ay hindi papayag na ilagay ito sa ating tubig ay dapat na itapon nila ito bilang isang mapanganib na basura. Ang fluoride ay isang malakas na lason - mas matindi pa kaysa sa lead. Kaya ang fluoride ang isang aktibong sangkap sa mga pestisidyo at rodenticides. Pinapaliwanag din ito kung bakit ang aksidenteng pag lunok ng fluoride ay sanhi ng seryosong mga sintomas. Napahayag sa Journal of Dental Research (Whitford 1987, 1990), may sapat na fluoride na nakahalo sa flavored-toothpaste para makapatay ng batang may edad siyam pababa. Kada taon, may mga libo-libong naiulat sa Poison Control Center sa United States sa sobrang paglunok ng mga produktong may fluoride kagaya ng mga toothpaste, mouthrinses at supplements.


Sa katunayan ang fluoride ay dahan-dahang nakakalason sa ating katawan at maaring makapagdulot ng mga sakit tulad ng: Mababang IQ at nagpapahina ng memorya, nagpapahina ng kidney at thyroid, pagkabali ng balakang sa matatanda at bata, pagkabaog sa mga babae at lalake, depekto sa kapanganakan, maagang simula ng pagdadalaga, dental at skeletal fluorosis, pagkahina ng immune system, hip fractures, ADD/ADHD, alzeimer’s disease, skeletal fluorosis, pinsala sa utak at iba pang pambihirang mga cancer. Ipinapakita na ang fluoride ay walang mabuting maitulong sa pagkasira ng ngipin.


SUNDAN ANG MGA LINKS NA ITO:

ARTICLES



VIDEO
--------------------------------------