If we look at the history and present studies, many sincere and concerned scientists exposed the dangers of these chemicals to human consumption. It was proven that many chronic diseases like cancers were caused by these toxic inorganic chemicals. The mainstream media and other social institutions ignore and allow companies to sell and profit from these poisons. In Davao City alone, majority of the populace are dependent and use these substances on a daily basis, from Fast food chains to small community shops. Unfortunately, children are also vulnerable to these harmful additives by consuming foods that are always available inside their school canteen. So Food Freedom wants to confront and challenge the government policies that support the interest of the corporations who produces these toxic substances.
ANO ANG MONOSODIUM GLUTAMATE (MSG)
Ang glutamate ay natural na amino acid na makikita sa pagkain kung saan mayroong protina. Ito ay makukuha sa gatas, mushrooms at isda. Ang monosodium glutamate (MSG) naman ay isang uri ng nakakalasong kemikal na nilikha sa sodium salt ng glutamate na ginawa para pangpalasa na matatagpuan sa mga pagkain. Ito rin ay nasa mga pampalasa na sikat tulad ng ‘Magic Sarap’, ‘Ginisa mix’, at iba pa. Ang Ajinomoto ay isang Japanese Company na gumawa ng MSG o Vetsin.
ANO ANG MASAMANG EPEKTO NG
MSG
Alam ng glutamate industry ang masasamang epekto ng MSG. Alam
nila na ito ay lason. Alam din nila na isa ito sa dahilan ng pagkakaroon ng
diabetes, adrenal gland malfunctioning, seizures, highblood pressure, sobra sa
timbang ng katawan, stroke at iba pang problemang pangkalusugan. Kailangang
iwasan ang pagkaing may halong MSG upang hindi magkaroon ng ganitong mga sakit
at komplikasyon.
ILANG MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA MSG
Ang insidente ng Type II Diabetes ay dumoble noong nakaraang
tatlumpong taon (30 years). Tumaas din
ang bilang ng obesity o sobrang katabaan ng mga bata. Ang MSG ay inenject o tinuturok sa mga hayop na nasa laboratoryo para
patabain ito at para masubukan ng mga
pharmaceutical companies ang kanilang mga gamot.
PAANO MAIIWASAN ANG
LASONG MSG
Halos
lahat ng mga mamimili na hindi bumibili ng pagkaing may MSG ay walang ideya na
ang mga “natural flavorings”, “hydrolyzed protein”, “E621” at “spices” ay ang
mga simpleng nakatagong pormula ng MSG. Ito ay nagtataglay ng 12% hanggang 40%
na MSG. Makikita ito sa mga processed
food sa mga groceries at sa mga health food store. Suriin o basahing mabuti ang
nakasulat sa label ng mga produkto. Kung makikitang may nakasulat sa ingredients
na MSG, iwasan ito. At kung kakain naman sa restaurant, magtanong muna kung nilalagyan ba nila ito ng MSG. Kung maaari din ay
iwasan ang pagkain sa mga fast food gaya
ng McDonalds, Jollibee at iba pa. Halos lahat ng kanilang pagkain gaya ng fench
fries, hamburger at spaghetti ay may MSG. Bigyang pansin kung ano ang MSG na mas kilala bilang isang food additives
na ginagamit ng food industry sa buong mundo. Suriin kung bakit nilalagay nila
ito sa pagkain at suriin kung ano-anong pagkain ang nilalagyan nila nito.
Alamin ang pinanggagalingan ng MSG at kung ano ang mga delikadong epekto nito.
VIDEOS:
--------------------------------------------
ANO ANG ASPARTAME O MAGIC SUGAR?
Ang Aspartame ay isang napaka delikadong kemikal na hinahalo sa mga pagkain/inumin tulad ng Instant breakfast, breath mints, cereals, sugar-free chewing gum, cocoa mixes, coffee beverages, frozen desserts, gelatin desserts, juice beverages or litre pack, laxative, multivitamins, milk drinks, pharmaceuticals at supplements (kabilang dito ang over-the-counter medicine), shake mixes, soft drinks, tabletop sweeteners, tea beverages, instant teas and coffee, topping mixes, wine coolers, yogurt at iba pa. Ang mga impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng Aspartame ay iniingatan nang itago mula pa noong taong 1980. Base sa mga pagsusuri at sa kasaysayan ng Aspartame, isa ito sa mga kadahilanan ng pagkakasakit ng mga tao dulot ng lason na epekto nito. Ang pag gamit ng mga tao nito, lalo na ng mga babaeng buntis at ng mga bata, ay isang napakalaking trahedya sa ating panahon. Hindi ito pinapaalam ng mga industriyang gumagawa nito dahil sila ay kumikita rito. Bagkus, pinoprotektahan nila ito sa pamamagitan ng pagtago ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa masasamang epekto nito sa publiko. Matapos ang halos dalawampung taon mula ng inilabas sa merkado ang Aspartame, tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit. Napatunayan na ang Aspartame pala ay isa sa dahilan ng mga sakit na ito. Aspartame ang teknikal na katawagan sa mga brands na NutraSweet, Equal, Spoonful, at Equal-Measure. Iniulat sa Food and Drug Administration na mula nang inilabas ito ay tumaas ng 75% ang mga seryosong problema tulad ng seizures, cancer at kamatayan. Ilan pa sa mga dokumentadong sintomas dulot ng Aspartame ay ang migraine, dizziness, nausea, numbness, muscle spasm, rashes, fatigue, tachycardia, insomia, hearing loss, heart palpitations, anxiety attacks, slurred speech, loss of taste, tinnitus, vertigo, memory loss, joint pain, sobra ang timbang, depresyon, iritable, problema sa paningin, at paghihirap sa paghinga. Ayon sa mga mananaliksik at mga doktor na nagsuri tungkol sa epekto ng Aspartame, may iba pang delikadong mga sakit ang pwedeng ma-trigger nito tulad ng brain tumors, multiple sclerosis, epilepsy, chronic fatigue syndrome, parkinson's disease, alzheimers's, mental retardation, lymphoma, birth defects, fibromyalgia at diabetes. Upang maiwasan ang pagkaing may Aspartame, suriin ang mga ingredients ng mga produktong gustong bilhin. Basahin ito ng mabuti sa likod ng mga product labels.
Puntahan ang mga links na ito tungkol sa Aspartame o Magic Sugar:
NEWS AND ARTICLES:
VIDEOS:
------------------------------
ANO ANG FLUORIDE?
Ang fluoride ay isa sa mga pinakadelikadong kemikal. Ang kemikal na fluoride na hinalo sa tubig pampubliko ay isang basura gawa ng phosphate fertilizer. Kung ang industriya ay hindi papayag na ilagay ito sa ating tubig ay dapat na itapon nila ito bilang isang mapanganib na basura. Ang fluoride ay isang malakas na lason - mas matindi pa kaysa sa lead. Kaya ang fluoride ang isang aktibong sangkap sa mga pestisidyo at rodenticides. Pinapaliwanag din ito kung bakit ang aksidenteng pag lunok ng fluoride ay sanhi ng seryosong mga sintomas. Napahayag sa Journal of Dental Research (Whitford 1987, 1990), may sapat na fluoride na nakahalo sa flavored-toothpaste para makapatay ng batang may edad siyam pababa. Kada taon, may mga libo-libong naiulat sa Poison Control Center sa United States sa sobrang paglunok ng mga produktong may fluoride kagaya ng mga toothpaste, mouthrinses at supplements.
Sa katunayan ang fluoride ay dahan-dahang nakakalason sa ating katawan at maaring makapagdulot ng mga sakit tulad ng: Mababang IQ at nagpapahina ng memorya, nagpapahina ng kidney at thyroid, pagkabali ng balakang sa matatanda at bata, pagkabaog sa mga babae at lalake, depekto sa kapanganakan, maagang simula ng pagdadalaga, dental at skeletal fluorosis, pagkahina ng immune system, hip fractures, ADD/ADHD, alzeimer’s disease, skeletal fluorosis, pinsala sa utak at iba pang pambihirang mga cancer. Ipinapakita na ang fluoride ay walang mabuting maitulong sa pagkasira ng ngipin.
SUNDAN ANG MGA LINKS NA ITO:
ARTICLES
VIDEO
--------------------------------------
No comments:
Post a Comment