ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIOTECH AT GMO
Ang DNA o genes ng mga GMO foods ay binago (binawasan o dinagdagan) sa pamamagitan ng genetic engineering. Ayon sa mga kasinungalingan ng mga kompanyang gumagawa nito tulad ng Monsanto, ang mga pagkaing GMO daw ay ligtas at na-pakamasustansya sa katawan ng tao gaya rin ng organic. Ngunit ang katotohanan, ang mga halaman at gulay na ito ay meron o mas nangangailangan ng mga nakakalasong pesticides, herbicides, at mga kemikal na pinaniniwalaang may direktang koneksyon sa mga sakit na tulad ng asthma, organ failure, skin allergies, kidney at liver damage, pagbaba ng fer-tility at maging ng cancer. Mas mahalaga pa sa mga kompanyang ito ang perang kikitain nila kaysa sa seguridad ng kalusugan ng mga mamimili.
ANG KAPINSALAANG DULOT NG MONSANTO SA MGA KATUTUBO
Ang Monsanto ay nagpapautang ng mga patented na binhi na tinawatag na terminator seeds. Ang mga ito ay dinesenyo upang mamatay pagkatapos ng isang taniman. Ginagawa nila ito nang sa ganon ay mas lalong mabaon sa kahirapan ang mga magsasaka. Sa India, may nasa 250,000 na mga magsasaka ang nagpakamatay dahil hindi na nila magawang makipagpalitan, magparami at mag imbak ng mga binhi dahil sa ganitong sistemang pinipilit ng Monsanto. Kapag napatuna-yan ng Monsanto na ang pananim ng mga ordinaryong magsasaka ay kontaminado ng kanilang patented na binhi, pinagbabayad nila ang mga ito sa napakalaking halaga (royalty) kaya napipilitan na lamang ang mga magsasaka na bumili kaysa sa makulong. Sa Haiti pagkatapos ng napakalakas na lindol noong 2010, sinunog ng mga magsasaka ang mga binhing GMO bilang isang simbolo ng pag apak ng kanilang prinsipyong mag imbak at makipagpalitan ng bin-hi. Noong 2005 sa Hun-gary, naging banned ang GMO sa kanilang agrikultura at maging hanggang ngayon ay nag iingat pa rin silang huwag ma-kontamina ng GMO ang kanilang mga pananim. Noong 2011, ipinahinto ng Peru ang pag angkat ng mga GM na mga binhi, baka at mga isda upang protektahan ang kanilang biodiversity. Sa buong mundo, malinaw na ang kagustuhan ng mga ma-mimili ay ang mas ligtas, organic, sariwa at mga lokal na mga gulay at pagkain.
ANG MGA EPEKTO NG GMO SA MGA PAGKAIN AT PANANIM
Dahil sa herbicide na Roundup ng Monsanto, kumakalat ngayon ang mga tinatawag na superweeds o mga damong hindi na basta basta tinatablan ng mga herbicides. At dahil dito, ang mga magsasaka ay mas lalo pang nangangailangan ng mga ma-titinding kemikal para lang puksain ang mga superweeds na ito. Taon taon, ang Monsanto ay naglalabas ng kung anu anong mga kemikal na produktong pamuksa sa mga problemang sakahan na sila rin ang may likha; bagay na mas lalong lumalason sa ating hangin, tubig, at agrikultura. Sa ngayon may mga GM na rin na isda tulad ng salmon na lumalaki ng doble sa orihi-nal na sukat nito na nakatakdang ibenta sa merkado. Karapatan natin na malaman kung ang ating pagkain ay GMO ba o hin-di ngunit mula noong 1996, wala tayong malay na inilabas na pala nila sa merkado ang ibang mga pagkaing GMO. Kara-mihan sa mga industriyalisadong mga bansa ay naglalagay na ng label na “GMO” sa kanilang mga komersyal na pagkain at sa iba naman ay banned na ang mga produktong GMO. Ngunit ang Monsanto ay tutol sa labelling. Kamakailan lang, nagbanta ang kompanyang ito na magsasampa ng kaso laban sa State of Vermont dahil sa kanilang demokratikong paglikha ng batas tungkol sa pag label ng mga GMO, ang Vermont Right to Know Genetically Engineered Food Act (H. 722).

ANG PAGKAGAHAMAN NG MONSANTO
Ang napakalakas na kapangyarihan at impluwensya ng Monsanto sa mga regulasyon at batas ukol sa pagkain sa buong mun-do ay banta sa ating karapatan, kalusugan, kalikasan, at demokrasya. Sa kasaysayan, ang kompanyang ito ay naitatag at yumaman sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga nakalalasong kemikal sa agrikultura, pagsalanta sa mga indigenous na kumunidad at maliliit na magsasaka, at pagsasamantala at pag abuso sa mga batas agrikultura. Noong 2010, gumastos ito ng $120 million sa advertising para kumbinsihin ang mga mamimili sa kasinungalingan na ang GMO ay ligtas. Taliwas sa si-nasabi nito na sila raw ay tumutulong sa mga magsasaka sa buong mundo, ang mga tunay na prinsipyo ng Monsanto ay mono-cropping, pagsira sa natural na sistema ng kalikasan at pag suporta sa mga kurapsyon ng mga nasa gobyerno at negosyong kumikita ng malaki sa pesticides at GMO.

SUNDAN ANG MGA LINKS NA ITO:
http://www.organicconsumers.org
http://occupy-monsanto.com
https://www.facebook.com/goorganicdvo
http://www.organicconsumers.org
http://occupy-monsanto.com
https://www.facebook.com/goorganicdvo
No comments:
Post a Comment