Friday, February 28, 2014

ANG PAMATAY-PESTE (PESTICIDE)


Ang pamatay-peste ay dinesenyo upang pumatay ng mga insekto, halamang-singaw (fungus), bakterya, at ibang organismo na kumakain ng pananim at sumisira ng ari-arian. Ang pagsasaka ay isang malaking negosyo at ang hangarin ng ibang kompanya ay ang kumita ng pera. Ang pamatay-peste at ang "genetically modified" na organismo ay para masiguro ang pagbunga base sa pangangailangan ng tao kahit na ito ay nakakapinsala sa kapaligiran o sa mamimili. Ang dalawang klase ng pestisidyo ay "biological" at "chemical". Ang biological na pamatay-peste ay maaring binuo gamit ang halamang-singaw (fungi), bakterya, at iba pang sustansiya. Ilan sa mga biological na pamatay-peste ay isang mikroorganismo na walang anumang pagmamanipula, nagpapakita lang ito ng natural na epekto sa peste. Ito ay walang masamang epekto sa tao o hayop at hindi nakakasama kahit latak man ang maiwan.

Ang mga posibleng reaksyon ay:

Pagkapagod
Pangangati ng balat
Pagkahilo
Pagsusuka
Problema sa paghinga
Nagkakaroon ng karamdaman sa kidney, utak, at dugo
Nasisira ang atay
Nagkakaroon ng problema sa pagbubuntis
Kanser
Pagkamatay


Sino ang Dapat Sisihin? 

Karamihan sa nakakalason na kemikal ay inaprobahan upang gamitin bilang pamatay-peste sa produksyon ng pagkain! Sino ang nagbigay ng pahintulot? Ang mutinasyonal na korporasyon na tinatawag na The Codex Alimentarius Commision (CAC). Ito ay nabuo noong 1963 mula sa pagsisikap ng kooperatiba sa pagitan ng World Health Organization (WHO) at ang Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO). Ang kanilang pangkalahatang layunin ay "protektahan ang kalusugan ng mamimili at para tiyakin ang patas na pagsasagawa." Ang balak nuon sa orihinal na 172 na bansa na kasangkot nito ay upang magtakda ng alituntunin ng pagkain, pamantayan, at alituntunin ng pagsasagawa. Ito ay upang magtaguyod ng kaligtasan sa pagkain. Sa kabila ng ipinahayag nila na responsibilidad na proteksyon ang mamimili, ang CAC ay nagpahintulot ng nakakalason na kemikal para sa pananim. Ang lasong ito ay tinukoy bilang Persistent Organic Pollutants (POP's). Ang mga ito ay tinatawag na persistent dahil ito’y namamalagi at hindi madaling alisin sa kapaligiran. Ang pinakamalaking panganib sa ating kapaligiran at sa kalusugan ay mula sa kemikal na pamatay-peste. Sa kabila ng mga panganib, ang gobyerno ay nanatili ang pagsuporta sa paggamit ng nakakalason na kemikal upang gawing pamatay-peste. At ang siyensiya naman ay patuloy ang pag gawa ng iba't-ibang lason.


Ano ang panganib mula sa pagkakalantad (exposure) sa pamatay-peste

Ang pamatay-peste ay maaring maging lason sa tao at hayop. Kaunti lamang nito ay nakamamatay na. May mga lason ay maaring mabagal ang pinsala sa katawan ng tao. Ang paggawa ng pamatay-peste ay delikado din. May sakunang nagyari sa Bhopal (India) nang dahil sa planta. Ang planta ay naglabas ng 40 toneladang methyl isocyanate na ginamit sa paggawa ng pamatay-peste. Sa trahedyang nangyari, mahigit tatlong libo (3000) ang namatay agad. Sa kabuuan, humigit kumulang na (15,000) labin-limang libong tao ang nawalan ng buhay. Sa ngayon, halos (100,000) isang daang libong tao ang nagdurusa mula sa katamtaman hanggang sa malubhang pinsala.


Ang Broad-spectrum pesticides at Narrow-spectrum pesticides

Ang Broad-spectrum na pamatay-peste ay hindi tinatamaan ang espesipikong peste. Ibig sabihin, kinokontrola nito ang malawak na hanay ng peste. At ang Narrow-spectrum na pamatay-peste ay epektibo lang sa isa o maliit na bilang ng peste. Halimbawa, ang algicides ay para sa algae, ang para naman sa ibon ay avicides, ang fungicides ay para sa fungi at omycetes (tinatawag din water molds, na makikita sa basang kapaligiran). Karamihan sa mga pamatay-peste ay direktang pumapatay peste. Iba-iba ang epekto ng sistemik na pamatay-peste. Ito ay tumatagos sa loob ng mga pananim. Nilalason nito ang pollen at nektar ng mga bulaklak at ito ay pumapatay ng mga paru-paro at pukyutan.



Pestisidyo at Pukyutan (bees)

Ang pestisidyo ang pangunahing banta sa pukyutan. Napakaraming namatay na mga pukyutan nang dahil sa sistematikong pagkalason. Ang pukyutan at paru-paro, bukod pa sa ibang pollinators, ay nagrerepresenta ng pagiging natural na pwersa upang mapanatili ang pagpapaulit-ulit (cycles) at ebolusyon. Mahigit dalawampu't-limang porsyentong kolonya ng pukyutan ay namatay sa taglamig noong 2006-2007. Ibig sabihin, bilyong bilang ng mga pukyutan ang namatay. Ang pagkawala ng mga pukyutan ay may napaka-negatibong epekto sa mga tao at ekonomiyang pang-agrikultura.


Sino ang nasa panganib sa pagkalantad ng pamatay-peste

Ang mga magsasaka at kanilang pamilya at ang ibang tao na regular na gumagamit ng kemikal na pamatay-peste ang nasa matinding panganib. Ang panganib ay kumakalat sa mas malaking lugar katulad ng pestisidyo na siguradong madadala sa hangin, nag-iiwan ng latak sa ani, nananatili sa loob ng ani at hayop, pumupunta sa malawak na karagatan, dinudumihan ang suplay ng tubig pati na mga isda at iba pang pagkaing-dagat. Sino mang gumagamit ng pamatay-peste o kaya'y ang tao na nasa lugar kung saan kasalukuyang may pestisidyo ay nasa panganib din. Ang pestisidyo ay maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng balat, mata, bibig at ilong. 


Ang mga bata ang madaling kapitan ng lason ng pamatay-peste. Ang Natural Defense Council ay nakakolekta ng datos (data) at naitalang may mataas na antas ng childhood leukemia, kanser sa utak, at depekto sa kapanganakan. Ang resultang ito ay dahil sa maagang pagkakalantad sa pamatay-peste. Kahit na ang pag gamit ng pestisidyo ay base sa regulasyon, may pagsusuring nagsiwalat na ang mga neurotoxins mula sa mga pestisidyo ay nagdudulot ng pinsala sa paglaki ng bata sa sinapupunan. Kamakailan lamang nakalathala sa Wikipedia.org ang mga resulta gaya ng:

Ang mga similya (fetuses) ay maaring mag magdusa, maaring magkaproblema sa pag-uugali at maari ding magkaroon ng isyu sa paglaki.

Mababa ang puntos ng pagkaisipan, mas kaunti ang nerve cells at mababa ang timbang

Mahina ang resistensya sa lason na epekto ng pamatay-peste

70% ang pagtaas ng Parkinson's disease kahit na sa mababang antas ng pamatay-peste


Alam mo ba na inaprobahan ng gobyerno ang paggamit ng organophosphates sa kabila ng pangyayari? Ito ay nakakapagtaka kung sino talaga ang pinoprotektahan ng Environmental Protection Agency (EPA). Ang kailangan mo rin maunawaan na ang lason sa pamatay-peste ay maaring manatili sa katawan patungo sa atay. At kahit na sa katamtamang antas ng reaksyon ay maaring maging malala ito. Ang mataas na antas ng pagkakalantad ay maaring nakamamatay. Paano mo malalaman kung ikaw ay magkakasakit? Hindi; Hindi mo malalaman hanggat hindi mo ito mararamdaman. May mga kani-kaniyang dahilan ang reaksyon ng lason sa katawan, pati na sa antas ng pagkakalantad, klase ng kemikal na nalunok, at resistensya sa katawan. May mga taong malubha ang dulot ng lason sa kanilang katawan at may mga taong katamtaman lang ang epekto. May iba naman na malubha ang karamdaman kahit na katulad ang antas ng pagkakalantad nila.



Paano maiiwasan ang lason dulot ng pamatay-peste

Magtanim ng sariling pagkain. Sa pamamagitan nito ay magagamit mo ang mabuting pamamaraan para kontrolin ang peste. May mga natural na lunas para kontrolin ang peste at natural na pamamaraan ng pataba sa lupa. O di kaya'y gumamit ng organic na pamatay-peste. Ang karamdaman na sanhi ng pamatay-peste ay maaring malimitahan sa pamamagitan ng mga ilang aksyon. Isang magandang ideya na takpan ang balat at mukha kung ikaw ay malapit sa lugar kung saan may gumagamit ng pamatay-peste. Kung hindi posible ang pagtatanim, dapat bumili ng mabuting pagkain. Bumisita sa merkado ng mga magsasaka para makabili ng pinakasariwang organikong pagkain. Hanapin ang organik na pagkain sa lokal na grocery store. Dahil nakalat na ang kamalayan, marami nang tao ang nagbigay pansin kung ano ang kanilang kinakain pati na rin ang mga tagapamahala ng tindahan. Parami nang paraming mga tinadahan ang nakibagay sa organikong produkto para sa mga mamimili.May mga ani na naglalaman ng pinakamataas na antas ng pamatay-peste. Sa pag-iwas ng ganitong mga ani ay maaring mabawasan ng 90% ang pagkunsumo ng pamatay-peste. Ang ilan sa mga ito ay prutas kagaya ng mga seresa (cherries), mansanas, peaches, peras (pears), at ubas. Ang mga gulay na maaring iwasan ay kintsay, spinach, sweet bell peppers. Tandaan, kung ito ay organikong tinanim, ito ay ligtas kainin.

- Dr. Edward F. Group III, DC, ND, DACBN, DCBCN, DABFM


BUMISITA SA MGA SITES NA ITO PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:





 -----------------------------------------

Monday, February 24, 2014

DAVAO ORGANIC MARKET AND THE ANTI-GMO MOVEMENT


After months of break, the Davao organic market is back again. This is a successful collaboration of different NGO’s pushing the organic agriculture law in the Philippines. One of the reasons is that there is no sincere support from the government and even from the majority of the population itself. This effort is spearheaded by the network called ‘Go Organic Mindanao!’, a broad network of organizations who are believers, supporters and practitioners of agro-ecological farming and organic agriculture, and which our collective is also involved. Its members are present in 14 provinces and cities in 6 regions in Mindanao. This movement also supports other campaigns such as the indigenous people’s rights, banning of aerial spraying and pesticides in banana and pineapple plantations, resistance against GMO and Monsanto, stopping of coal, stopping of water privatization, abolishing pork barrel, and even the resistance against G8 and JPEPA (Japan-Philippine Economic Partnership Agreement) in 2008. 


For the past years, it is very active in opposing Bt Eggplant and Golden Rice (GR) here in Mindanao. Here in Davao for example, this network helped destroyed and uprooted the Bt eggplant field-test site in UP Mindanao Campus (University of the Philippines), Mintal. These groups and the adjacent villages in this state university protested and demanded the immediate uprooting of the GMO crops in field trials that’s why the former mayor of Davao, Sara Duterte, supported the call. However, even though the mayor helped this time, she was helping because the trial was said to be “not in a right procedure” and “did not hold public consultations”, and that’s why she allowed the university people who are behind this GMO project to start all over again. But due to the fact that it would expose the local varieties to contamination and genetic degeneration, and would cause serious health and environmental problems, the people decided to shut it down. The officer involved in the project at that time was Dr. Eufemio Rasco of UP and he still defended and further pushed the GMO trial.


Meanwhile outside Mindanao, Last August 2013 around 400 people including many farmers attacked another GM rice testing in the government-owned field in Pili, Camarines Sur. Some of the farmers also stated that GM crops are very dangerous not only to humans but also to the soil and other crops and organisms that is why they need to stop the secretly run GMO trial. Jaime Tadeo of the National Rice Farmers Council said, “G R has long been rejected by Filipinos and in other parts of the world. Its creators are using this to improve their image and we know they are waging a major public relations campaign to win the hearts of Filipinos and get this GMO rice in our food on the table”.



 Research and development of Golden Rice started in 1992 with the prototype released eight years later by Syngenta, the third largest seed company and biggest agro-chemical company in the world, according to Greenpeace. The first generation Golden Rice had low concentrations of beta carotene, the precursor of Vitamin A, and would have required people to consume 12 times their normal rice intake of rice to obtain the recommended dietary allowance of Vitamin A, based on a Greenpeace study in 2001. 


To quote the GM Watch group in their article… “Golden Rice is genetically engineered said to contain increased levels of beta-carotene, a precursor of vitamin A (also known as provitamin A). The rice is claimed to help cure blindness and other illnesses caused by vitamin A deficiency in the Third World. It is also claimed that opposition to GR by environmentalists and anti-GMO activists has caused millions to die or go blind in the developing world. These claims are factually incorrect and unscientific. In reality, we don’t need GM rice. GR is an expensive and unproven ‘solution’ to a problem for which better solutions exist. It has swallowed millions in development money and yet is still not ready.” These so called benefits can also be found in green leafy vegetables and other natural, organic food so why does the government waste money and time? And why they are obviously standing on the side of these mammoth corporations? Although OM does not agree with some of the NGO’s politics and campaigns, we support this effort/network because we think that, if supported by many, this is one of the very strong and effective actions against the capitalist agriculture and food industry and other institutions that profit from our food and health. The Golden Rice field test trials are being conducted by the Philippine Rice Research Institute in partnership with the Department of Agriculture.


It is so obvious that the Philippine government rampantly approves and supports GMO’s. While pro-GMO lobby groups and policy makers claim that GMO approvals will alleviate hunger, this did not become the result of Philippines’ “relentless” approval of GMO applications. While Golden Rice is still being tested, a total of 44 GMOs have been approved by the government: 40 for direct use as food, animal feed and food processing and 4 for planting as crops. Most of these are genetically-altered corn, soybean, potato, canola, cotton, sugarbeet and alfalfa. They have been genetically-engineered to resist pests and herbicides, delay ripening or enhance their nutritional value. All of these approved GMOs are products of big multinational agro-chemical companies like Monsanto, Syngenta, Bayer and Pioneer which own patents to these crops. This is how "friendly" the Philippines is to GMOs despite more than 60 countries in the world, including Japan, Australia, and countries in the European Union already putting restrictions and bans on GMOs. First, these companies use promotions and discounts. They give farmers free trial seeds for planting. They even raffle them off. Most of the farmers especially the small landholders have tried planting GM corn but after one planting season, they quit. But they are forced to plant it again because the credit facilities they borrow from will only grant them loans if they plant GM corn. These facilities are partly funded by GM companies like Monsanto.



According to Greenpeace, more than 50% of food in an average grocery in the Philippines are GMOs or contain GMOs. If it's highly processed, it will probably contain canola, extenders like corn and soya, and these are imported from the US where GMOs are one of their largest industries. If alarming health risks like these have not yet manifested, the environmental impact of planting GM crops already have. A Cornell study reported that toxic pollen from Bt corn has led to the deaths of monarch butterflies. Though Bt corn produces its own insecticide to kill crop-damaging pests, it also kills "nontarget" organisms like honeybees and ladybugs, which are essential to agricultural ecosystems as pollinators or predators of pests. Terje Traavik, director of the Norwegian Institute of Gene Ecology, announced a study claiming that villagers who lived next to a plantation of biotech maize in the southern Philippines suffered fevers and respiratory, intestinal and skin ailments in late 2003. By seeking to control the food system from the crop’s gene—not seed—up to the table, GMO corporations are forcing Filipino farmers into a corner by promoting dependence on industrial chemical inputs such as harmful pesticides and herbicides. The country’s dependence on supplies from GMO corporations will tie farmers into a never-ending circle of debt and less choices for what seeds or crops to plant. Despite documented cases on questions of their safety and rejection by other countries, no GMO application in the Philippines has ever been disapproved. 



In the US, many activists and communities are still converging together to take actions against the biotech industry and genetic modification and to protect the native or the heirloom seeds. Thus, seed libraries were established in many parts and although this seem like a new idea, it is inspired by traditional seed banking method. This movement inspired many activists that are practicing organic gardening and other related projects such as CSA’s (community supported agriculture). Some examples are Hudson Valley Seed Library in upstate New York, the Seed Library of Los Angeles, the Richmond Grows Seed Lending Library in California's East Bay, and the Bay Area Seed Interchange Library, or BASIL founded by Sascha Dubrul, co-founder of ICARUS mental health support group. And with this, networks were also formed and other members sell native seeds for sustainability and promotional/campaign purposes. There was also an effort to form a national association of seed libraries, a unifying body to advance the growing movement. To quote Stephen C. Thomas of Native Seeds/SEARCH, a seed conservation nonprofit….



“Multinational agribusiness corporations like Monsanto and DuPont realized early on that control over the seeds was the key to global domination of food supplies. Over the past two decades these industrial giants have aggressively swallowed up dozens of smaller seed companies in a cutthroat race for market supremacy. According to the latest figures from the ETC Group, a sustainable agriculture think tank, Monsanto sits at the top of the pile raking in 27 percent of total seed sales worldwide. A recent report in the LA Times revealed that Monsanto has set its sights on a new target market: the garden vegetable seed industry. Employing intensive breeding technologies, Monsanto aims to concoct newfangled veggies with bizarre traits they imagine consumers will eagerly devour. Shoppers will be able to load up on heads of cholesterol-lowering broccoli, quicker-ripening melons, and onions that cause less eye-watering when sliced. Steve Peters, former head of production at Seeds of Change, summed this disturbing news up best: "Monsanto wants to take the tears out of onions. What's wrong with tears?”


Here in Mindanao, we need more effort to popularize not only the benefits of organic agriculture but also the still underlying threat of genetic modification in our food, animals, and agriculture. We also need to come up more ways to expose the impact of chemicals and synthetic fertilizers to our health and we need to fight these biotech industries in a sincere and forceful manner. If the people don’t know the history and the real motives of these corporations, the people will not effectively eliminate the “cancer” in our society; especially the ones that hide behind our food supply like Monsanto, Syngenta and other giant agro-chemical industries. After so many years, it is clear that our government is not concern and in fact tolerant to the exploitation of these profiteering death-machines that’s why we need to strengthen our solidarity from the grassroots and not in the bureaucratic-hierarchical level. We need more activists to work on this issue of food and agriculture, people that will take the campaign personally so that it will be more effective to many. We need more community gardens that consciously take care of its seeds and soil against the threat of GMO. We need more conscious gardeners that are willing to defend our freedom to grow food organically and eager to inspire, influence and help others grow their own food. 


In my personal observation, I don’t see so much people that are passionately talking about GMO or fighting against these biotech industries. I’ve met few people in this network and they play a big role in this struggle, but I think we need to organize more communities and “consumers” to strongly and effectively express resistance to this type of ecological and biological terrorism perpetuated by big transnational biotech corporations and sanctioned by capitalist government and institutions. In this very meaningful effort by local organizations which happens every Friday of the week, 3-5pm at Rizal Park, we are always ready to support through its Food Freedom project. By spreading information about GMO, biotech, Monosodium Glutamate (MSG), Aspartame, Fluoride and other serious health issues caused by these huge chemical corporations, and also by networking to raise more awareness and opposition, OM stands in solidarity with these farmers and organizations.


Credits to: DJ Yap, Jeff Tupas, Pia Ranada, Daniel Ocampo, Stephen C. Thomas

-------------------------------

SAY NO TO GMO!


Ano ang ibig sabihin ng Genetically Modified Organism? 

Ito ay isang organismo na kung saan binago sa pamamagitan ng genetic engineering.


Ano ang Genetic Engineering?

Ang genes ang blueprint ng bawat parte ng organismo. Ang genetic engineering ay ang proseso sa pagbabago ng genes lalo na sa pamamagitan ng paglipat ng genes sa ibang uri ng organismo. Kung ang hindi natural na gene ay isasalin sa ibang uri ng hayop o halaman, ito ay mapanganib. Ang kompanyang Biotechnology ay nagpahayag na ang kanilang pagmamanipula ay kagaya daw sa natural na pagbabago ng genes o kaya ay tradisyonal na pamamaraan ng pag-aanak. Gayunman, ang pagsasalin ng gene ng isda at kamatis na hindi gawa ng kalikasan ay maaring makalikha ng panibagong lason at mga sakit. Sa peligrosong eksperimento na ito, ang pangkalahatan ay parang guinea-pig.


Ano ang maaring dulot ng GMO sa tao at sa kapaligiran? 

1. Ito ay lason 
2. Maaring maging sanhi ng malubhang pinsala sa kalusugan kagaya ng allergy, cancer, pagkasira ng kidney, atay at bituka at marami pang ibang mga sakit na mahirap ng tanggalin sa katawan 
3. Pang matagalang epekto sa katawan ang sinumang kumakain ng pagkaing GMO 
4. Pinsala sa kapaligiran 
5. Sinisira ang balanseng ekolohiya 
6. Tumataas ang paggamit ng kemikal sa pananim kaya ang resullta ay dumadami ang kontaminasyon sa ating tubig at pagkain 
7. Hindi napapanatiling agrikultua


Ano ang maaaring mong maitulong?

Ipaalam ang makabuluhang impormasyon na ito sa iyong kaibigan, pamilya, katrabaho, mga studyante at iba pa para maiwasan din nila ang panganib na ito. Karapatan natin na maalaman ito.



Maaring bumisita sa mga website na ito para sa mga karagdagang impormasyon: 

MILLIONS AGAINST MONSATO

FOOD MATTERS 

OCCUPY MONSANTO 

BOYCOTT GMOs

------------------------------

MGA BAGAY NA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA GMO


ANG GMO AY NAPAKADELIKADO SA MGA BUNTIS AT MGA BATA

Kabilang sa mga populasyon, ang mga bata ang pinaka apektado sa kasiraan dulot ng GM na pagkain. Sa isang aktwal na pag eksperimento, nang pinakain sa babaeng daga ang GM soy kadalasan sa mga anak nito ay namatay sa loob ng tatlong lingo. Ang mga pinakain rin ng GM soy ay mas maliit at nahihirapang mag buntis. Nang ang lalaki naman ang pinakain nito, nag iba ang kulay ng kanilang testicles, mula sa normal na kulay pink ay naging dark blue. Ang sperm ng mga batang daga na kumain nito ay nabago at kahit na ang similya ng ‘’parent mice’’ ay nabago rin ang DNA. Sa Austria, ang mga dagang pinakain ng Bt corn ay mas kaunti at maliit ang anak kaysa sa normal. Sa imbestigasyon sa Haryana, India kadalasan sa mga kalabaw na kumakain ng GM cottonseed ay may komplikasyon kagaya ng pagkabaog, premature deliveries, at prolapsed uteruses. Sa US, maraming mga magsasaka ang nag ulat ng pagkabaog ng libo-libong mga baboy dahil sa pagkain ng ba’t-ibang klaseng Bt corn. Ang mga baka at toro rin doon ay nabaog dahil sa pagkain ng GM na mais. Sa populasyon sa US, dumadami ang bilang ng mga batang may mababang timbang, malnourish at maging ang bilang ng pagdami ng mga namamatay na may koneksyon sa pag kain ng GMO.


ANG PAGKAIN AY DINISENYO PARA GUMAWA NG LASON

Ang GM o Bt (bacillus thuringiensis) na mais at koton ay ginawa na may sariling pesticide bawat cell. Kung ang kulisap ay kakagat sa tanim, sila ay mamamatay. Ang mga kompanyang Biotech gaya ng Monsanto ay nagpahayag na ang pesticide na tinatawag na Bt ay ligtas daw gamitin sapagkat ginagamit raw ito na pang spray para sa natural na pagkontrola ng insekto. Ang totoo, ang Bt na lason na nasa GM na tanim ay mas puro kaysa sa natural na Bt spray at hindi kayang alisin sa pamamagitan ng paghuhugas. Napatunayan rin sa pag-aaral na kahit na mas kaunti ang lason ng Bt sa spray ay delikado pa rin ito. Nang ginamit ito sa pamamagitan ng eroplano para puksain ang problema sa gamu-gamo sa Pacific Northwest, umabot ng 500 na tao ang naiulat na nagka allergy at nagka trangkaso. Noong 2008, base sa talaan ng medisina, ang Sunday India ay nag-ulat na ‘’ang biktima ng pangangati ay dumadami’’ na may kaugnayan sa pagtanim ng Bt na koton.


ANG GMO AY ALLERGENIC

Ang American Academy of Emergency Medicine ay nagpahayag na maraming pag-aaral sa mga hayop ang nagpakita ng pagtaas ng indikasyon ng cytokines kung saan ito ay may kaugnayan sa hika, allergy at pamamaga ng mga organs. Ayon sa eksperto na si Dr. Arpad Pusztai, ang resultang ito sa mga hayop ay kasang-ayon sa lahat ng mga napag-aralan. Kahit na sa pag-aaral mismo ng Monsanto ay nagpakita ng makabuluhang pagbabago sa mga daga na pinakain ng Bt corn. Ang Bt na soy at mais ay naglalaman ng dalawang bagong protina na may katangiang allergenic. Matapos na ipinakilala ang Bt soy sa UK, ang ulat ng mga allergies ay tumaas hanggang 50%.


MARAMING MGA HAYOP ANG NAMAMATAY DAHIL SA GMO

Sa India, nang ipastol ang mga tupa sa Bt cotton, libu-libo ang namatay. Nakita ang malalang pangangati at black patches sa bituka at atay at ang paglaki ng bile ducts ng mga tupa. Ang paunang katibayan ay nagpapahiwatig na dahil sa lason kaya maraming namamatay na tupa. Malamang dahil sa lason ng Bt. Sa pag-asikaso ng Deccan Development Society, ang lahat ng mga tupa na pinakain ng Bt cotton namatay sa loob ng 30 na araw; at ang mga pinastol sa natural na koton ay nanatiling malusog. Sa maliit na nayon sa Andhra Pradesh, ang mga kalabaw na pinastol sa Bt cotton sa loob ng walong taon ay nameligro. Noong Enero 3, 2008, 13 sa mga kalabaw na pinastol sa Bt koton ang nagkasakit at sa sumunod na 3 araw ay namatay. Ang Bt corn ay siya ring tinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga baka at kabayo sa Germany at mga manok naman sa Pilipinas. Sa pag-aaral sa laboratory, ang daming bilang ng mga manok na pinakain ng Liberty Link na mais ang namatay. Sa 20 na daga na pinakain ng GM na kamatis, 7 rito ay nagtamo ng pagdurugo sa tiyan at namatay sa loob ng dalawang linggo. Sa pag-aaral rin mismo ng Monsanto, nakitang nasira ang mga major organs ng mga dagang pinakin ng Bt corn ayon sa French toxicologist na si G. E. Seralini.


ANG GMO AY MANANATILI SA ATING KATAWAN

Ang gene sa GM na soy ay lilipat sa DNA ng backterya ng ating bituka at patuloy itong gumagana. Ibig sabihin, makalipas ang mahabang panahon na pagtigil natin sa pagkain ng mga GM food, maaring meron pa rin tayong nakapipinsalang mga GM na protina sa ating katawan. Ang mga dating siyentipiko sa Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay babala sa mga sakit na ito noong 1990’s ngunit ito ay binalewala. Ayon sa dokumento na pinalabas galing sa litigasyon, pinagkasunduan sa ahensiya na ang GM food ay likas na napakadelikado at maaring lumikha ng mga allergies na mahirap tukuyin, mga lason, at mga bagong sakit at problema sa nutrisyon. Nagbabala sila na kinakailangan ng mahigpit na pangmatagalang pagsubok, ngunit ang White House ay nag utos sa ahensiya na itaguyod ang biotechnology at ang FDA ay tumugon sa pamamagitan ng bagong kaanib na si Michael Taylor, dating mananaggol at naging vice president ng Monsanto, isa sa mga kompanyang gumagawa ng mga GM food at seeds.


Maaring bumisita sa mga website na ito para sa mga karagdagang impormasyon:

MILLIONS AGAINST MONSATO 

OCCUPY MONSANTO

-------------------------------