Monday, February 24, 2014

SAY NO TO GMO!


Ano ang ibig sabihin ng Genetically Modified Organism? 

Ito ay isang organismo na kung saan binago sa pamamagitan ng genetic engineering.


Ano ang Genetic Engineering?

Ang genes ang blueprint ng bawat parte ng organismo. Ang genetic engineering ay ang proseso sa pagbabago ng genes lalo na sa pamamagitan ng paglipat ng genes sa ibang uri ng organismo. Kung ang hindi natural na gene ay isasalin sa ibang uri ng hayop o halaman, ito ay mapanganib. Ang kompanyang Biotechnology ay nagpahayag na ang kanilang pagmamanipula ay kagaya daw sa natural na pagbabago ng genes o kaya ay tradisyonal na pamamaraan ng pag-aanak. Gayunman, ang pagsasalin ng gene ng isda at kamatis na hindi gawa ng kalikasan ay maaring makalikha ng panibagong lason at mga sakit. Sa peligrosong eksperimento na ito, ang pangkalahatan ay parang guinea-pig.


Ano ang maaring dulot ng GMO sa tao at sa kapaligiran? 

1. Ito ay lason 
2. Maaring maging sanhi ng malubhang pinsala sa kalusugan kagaya ng allergy, cancer, pagkasira ng kidney, atay at bituka at marami pang ibang mga sakit na mahirap ng tanggalin sa katawan 
3. Pang matagalang epekto sa katawan ang sinumang kumakain ng pagkaing GMO 
4. Pinsala sa kapaligiran 
5. Sinisira ang balanseng ekolohiya 
6. Tumataas ang paggamit ng kemikal sa pananim kaya ang resullta ay dumadami ang kontaminasyon sa ating tubig at pagkain 
7. Hindi napapanatiling agrikultua


Ano ang maaaring mong maitulong?

Ipaalam ang makabuluhang impormasyon na ito sa iyong kaibigan, pamilya, katrabaho, mga studyante at iba pa para maiwasan din nila ang panganib na ito. Karapatan natin na maalaman ito.



Maaring bumisita sa mga website na ito para sa mga karagdagang impormasyon: 

MILLIONS AGAINST MONSATO

FOOD MATTERS 

OCCUPY MONSANTO 

BOYCOTT GMOs

------------------------------

No comments:

Post a Comment