Friday, February 28, 2014

ANG PAMATAY-PESTE (PESTICIDE)


Ang pamatay-peste ay dinesenyo upang pumatay ng mga insekto, halamang-singaw (fungus), bakterya, at ibang organismo na kumakain ng pananim at sumisira ng ari-arian. Ang pagsasaka ay isang malaking negosyo at ang hangarin ng ibang kompanya ay ang kumita ng pera. Ang pamatay-peste at ang "genetically modified" na organismo ay para masiguro ang pagbunga base sa pangangailangan ng tao kahit na ito ay nakakapinsala sa kapaligiran o sa mamimili. Ang dalawang klase ng pestisidyo ay "biological" at "chemical". Ang biological na pamatay-peste ay maaring binuo gamit ang halamang-singaw (fungi), bakterya, at iba pang sustansiya. Ilan sa mga biological na pamatay-peste ay isang mikroorganismo na walang anumang pagmamanipula, nagpapakita lang ito ng natural na epekto sa peste. Ito ay walang masamang epekto sa tao o hayop at hindi nakakasama kahit latak man ang maiwan.

Ang mga posibleng reaksyon ay:

Pagkapagod
Pangangati ng balat
Pagkahilo
Pagsusuka
Problema sa paghinga
Nagkakaroon ng karamdaman sa kidney, utak, at dugo
Nasisira ang atay
Nagkakaroon ng problema sa pagbubuntis
Kanser
Pagkamatay


Sino ang Dapat Sisihin? 

Karamihan sa nakakalason na kemikal ay inaprobahan upang gamitin bilang pamatay-peste sa produksyon ng pagkain! Sino ang nagbigay ng pahintulot? Ang mutinasyonal na korporasyon na tinatawag na The Codex Alimentarius Commision (CAC). Ito ay nabuo noong 1963 mula sa pagsisikap ng kooperatiba sa pagitan ng World Health Organization (WHO) at ang Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO). Ang kanilang pangkalahatang layunin ay "protektahan ang kalusugan ng mamimili at para tiyakin ang patas na pagsasagawa." Ang balak nuon sa orihinal na 172 na bansa na kasangkot nito ay upang magtakda ng alituntunin ng pagkain, pamantayan, at alituntunin ng pagsasagawa. Ito ay upang magtaguyod ng kaligtasan sa pagkain. Sa kabila ng ipinahayag nila na responsibilidad na proteksyon ang mamimili, ang CAC ay nagpahintulot ng nakakalason na kemikal para sa pananim. Ang lasong ito ay tinukoy bilang Persistent Organic Pollutants (POP's). Ang mga ito ay tinatawag na persistent dahil ito’y namamalagi at hindi madaling alisin sa kapaligiran. Ang pinakamalaking panganib sa ating kapaligiran at sa kalusugan ay mula sa kemikal na pamatay-peste. Sa kabila ng mga panganib, ang gobyerno ay nanatili ang pagsuporta sa paggamit ng nakakalason na kemikal upang gawing pamatay-peste. At ang siyensiya naman ay patuloy ang pag gawa ng iba't-ibang lason.


Ano ang panganib mula sa pagkakalantad (exposure) sa pamatay-peste

Ang pamatay-peste ay maaring maging lason sa tao at hayop. Kaunti lamang nito ay nakamamatay na. May mga lason ay maaring mabagal ang pinsala sa katawan ng tao. Ang paggawa ng pamatay-peste ay delikado din. May sakunang nagyari sa Bhopal (India) nang dahil sa planta. Ang planta ay naglabas ng 40 toneladang methyl isocyanate na ginamit sa paggawa ng pamatay-peste. Sa trahedyang nangyari, mahigit tatlong libo (3000) ang namatay agad. Sa kabuuan, humigit kumulang na (15,000) labin-limang libong tao ang nawalan ng buhay. Sa ngayon, halos (100,000) isang daang libong tao ang nagdurusa mula sa katamtaman hanggang sa malubhang pinsala.


Ang Broad-spectrum pesticides at Narrow-spectrum pesticides

Ang Broad-spectrum na pamatay-peste ay hindi tinatamaan ang espesipikong peste. Ibig sabihin, kinokontrola nito ang malawak na hanay ng peste. At ang Narrow-spectrum na pamatay-peste ay epektibo lang sa isa o maliit na bilang ng peste. Halimbawa, ang algicides ay para sa algae, ang para naman sa ibon ay avicides, ang fungicides ay para sa fungi at omycetes (tinatawag din water molds, na makikita sa basang kapaligiran). Karamihan sa mga pamatay-peste ay direktang pumapatay peste. Iba-iba ang epekto ng sistemik na pamatay-peste. Ito ay tumatagos sa loob ng mga pananim. Nilalason nito ang pollen at nektar ng mga bulaklak at ito ay pumapatay ng mga paru-paro at pukyutan.



Pestisidyo at Pukyutan (bees)

Ang pestisidyo ang pangunahing banta sa pukyutan. Napakaraming namatay na mga pukyutan nang dahil sa sistematikong pagkalason. Ang pukyutan at paru-paro, bukod pa sa ibang pollinators, ay nagrerepresenta ng pagiging natural na pwersa upang mapanatili ang pagpapaulit-ulit (cycles) at ebolusyon. Mahigit dalawampu't-limang porsyentong kolonya ng pukyutan ay namatay sa taglamig noong 2006-2007. Ibig sabihin, bilyong bilang ng mga pukyutan ang namatay. Ang pagkawala ng mga pukyutan ay may napaka-negatibong epekto sa mga tao at ekonomiyang pang-agrikultura.


Sino ang nasa panganib sa pagkalantad ng pamatay-peste

Ang mga magsasaka at kanilang pamilya at ang ibang tao na regular na gumagamit ng kemikal na pamatay-peste ang nasa matinding panganib. Ang panganib ay kumakalat sa mas malaking lugar katulad ng pestisidyo na siguradong madadala sa hangin, nag-iiwan ng latak sa ani, nananatili sa loob ng ani at hayop, pumupunta sa malawak na karagatan, dinudumihan ang suplay ng tubig pati na mga isda at iba pang pagkaing-dagat. Sino mang gumagamit ng pamatay-peste o kaya'y ang tao na nasa lugar kung saan kasalukuyang may pestisidyo ay nasa panganib din. Ang pestisidyo ay maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng balat, mata, bibig at ilong. 


Ang mga bata ang madaling kapitan ng lason ng pamatay-peste. Ang Natural Defense Council ay nakakolekta ng datos (data) at naitalang may mataas na antas ng childhood leukemia, kanser sa utak, at depekto sa kapanganakan. Ang resultang ito ay dahil sa maagang pagkakalantad sa pamatay-peste. Kahit na ang pag gamit ng pestisidyo ay base sa regulasyon, may pagsusuring nagsiwalat na ang mga neurotoxins mula sa mga pestisidyo ay nagdudulot ng pinsala sa paglaki ng bata sa sinapupunan. Kamakailan lamang nakalathala sa Wikipedia.org ang mga resulta gaya ng:

Ang mga similya (fetuses) ay maaring mag magdusa, maaring magkaproblema sa pag-uugali at maari ding magkaroon ng isyu sa paglaki.

Mababa ang puntos ng pagkaisipan, mas kaunti ang nerve cells at mababa ang timbang

Mahina ang resistensya sa lason na epekto ng pamatay-peste

70% ang pagtaas ng Parkinson's disease kahit na sa mababang antas ng pamatay-peste


Alam mo ba na inaprobahan ng gobyerno ang paggamit ng organophosphates sa kabila ng pangyayari? Ito ay nakakapagtaka kung sino talaga ang pinoprotektahan ng Environmental Protection Agency (EPA). Ang kailangan mo rin maunawaan na ang lason sa pamatay-peste ay maaring manatili sa katawan patungo sa atay. At kahit na sa katamtamang antas ng reaksyon ay maaring maging malala ito. Ang mataas na antas ng pagkakalantad ay maaring nakamamatay. Paano mo malalaman kung ikaw ay magkakasakit? Hindi; Hindi mo malalaman hanggat hindi mo ito mararamdaman. May mga kani-kaniyang dahilan ang reaksyon ng lason sa katawan, pati na sa antas ng pagkakalantad, klase ng kemikal na nalunok, at resistensya sa katawan. May mga taong malubha ang dulot ng lason sa kanilang katawan at may mga taong katamtaman lang ang epekto. May iba naman na malubha ang karamdaman kahit na katulad ang antas ng pagkakalantad nila.



Paano maiiwasan ang lason dulot ng pamatay-peste

Magtanim ng sariling pagkain. Sa pamamagitan nito ay magagamit mo ang mabuting pamamaraan para kontrolin ang peste. May mga natural na lunas para kontrolin ang peste at natural na pamamaraan ng pataba sa lupa. O di kaya'y gumamit ng organic na pamatay-peste. Ang karamdaman na sanhi ng pamatay-peste ay maaring malimitahan sa pamamagitan ng mga ilang aksyon. Isang magandang ideya na takpan ang balat at mukha kung ikaw ay malapit sa lugar kung saan may gumagamit ng pamatay-peste. Kung hindi posible ang pagtatanim, dapat bumili ng mabuting pagkain. Bumisita sa merkado ng mga magsasaka para makabili ng pinakasariwang organikong pagkain. Hanapin ang organik na pagkain sa lokal na grocery store. Dahil nakalat na ang kamalayan, marami nang tao ang nagbigay pansin kung ano ang kanilang kinakain pati na rin ang mga tagapamahala ng tindahan. Parami nang paraming mga tinadahan ang nakibagay sa organikong produkto para sa mga mamimili.May mga ani na naglalaman ng pinakamataas na antas ng pamatay-peste. Sa pag-iwas ng ganitong mga ani ay maaring mabawasan ng 90% ang pagkunsumo ng pamatay-peste. Ang ilan sa mga ito ay prutas kagaya ng mga seresa (cherries), mansanas, peaches, peras (pears), at ubas. Ang mga gulay na maaring iwasan ay kintsay, spinach, sweet bell peppers. Tandaan, kung ito ay organikong tinanim, ito ay ligtas kainin.

- Dr. Edward F. Group III, DC, ND, DACBN, DCBCN, DABFM


BUMISITA SA MGA SITES NA ITO PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:





 -----------------------------------------

No comments:

Post a Comment