Napakamahalagang tingnan natin ang epekto ng coal plant sa ating natural na mundo. Ang kasiraan ay makikita sa epekto nito sa ating mga lupa, tubig, at hangin. Ito ay direktang dulot ng mga pag proseso at pag gamit ng coal. Ang pagsusunog din ng coal ay nagpo-prodyus ng milyon milyong tonelada ng solid waste products taon-taon, kasama na ang fly ash, bottom ash, at flue-gas desulfurization sludge na may kasamang mercury, uranium, thorium, arsenic, at iba pang mga heavy metals. Maraming mga malalang epekto ang pagsusunog ng coal. Ayon din sa ulat ng World Health Organization sa taong 2008 at ng iba’t ibang environmental groups sa taong 2004, ang coal ay isa sa mga pinakadahilan ng pagkamatay ng mahigit isang milyon tao kada taon sa buong mundo, kasama na rito ang tinatayang 24,000 ka tao kada taon sa US. Ang coal mining ay isa rin sa mga pinaka nagdudulot ng polusyon sa ating hangin at tubig. Sa kasaysayan, ang coal mining ay kilalang napakadelikado at napaka mapanirang aktibidad ng mga tao. Sadyang hindi na mabilang ang mga aksidente at pagkamatay sa mga coal mines at karamihan sa mga pangyayaring ito ay hindi na naririnig o nababalita. Sa mga minahan, maraming mga minero ang nabibiktima ng pagkalunod (soffucation), pagkalason dulot ng gas, pag guho ng mga bubong sa mga tunnel, at maging ng pagsabog ng mga tunnel na ito. Dagdag pa rito, sa US mahigit 100,000 na mga coal miners ang namatay sa loob lang ng isang siglo, kasama na ang mahigit 3,200 na namatay sa loob lang ng 1907.
Ang epekto ng Coal Industry sa tao at sa ating mundo:
1. Pagkasira at pagkakaroon ng mga polusyon sa ating mga tubig
2. Pagkasira ng ating mga kabundukan
3. Pagkakaroon ng polusyon sa ating hangin
4. Pagkasira ng ating wildlife at bio-diversity
5. Pagkakaroon ng mercury emissions
6. Pagkakaroon ng greenhouse gas emissions
7. Sobrang bilang ng mga namamatay dulot ng coal polution
8. Radiation exposure
9. Kamatayan ng mga minero
Epekto sa Lupa
Ang strip mining ay napakamapinsala sa lupa at sa mga komunidad at nagdudulot ito ng seryosong epekto sa kalidad ng natural na yaman. Una, kapag ang isang lugar ay miminahin, ang mga taong nakatira rito ay kailangang lumipat kung kaya kailangan nilang harapin ang biglaang pagbabago ng takbo na kanilang pamumuhay at ekonomiya kagaya ng sa agrikultura o pagsasaka na nagdudulot ng kahirapan at kawalang kasiguruhan sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya. Napakaraming mga bagay ang pwede nitong masira at maapektohan kagaya ng natural na pamumuhay ng mga hayop at halaman, kalagayan ng tubig at mga kakahuyan, at maging ng mga pinagkukunang hanapbuhay ng mga komunidad kagaya ng mga farms, pahayupan, at iba pang mga importanteng pangangailangan ng mga tao. At dahil ang mga materyales na minimina galing sa isang lugar para sa coal plant ay hindi kailanman magiging sapat, kinakailangang lumipat na naman ito sa mga kalapit na mga lugar kung kaya nangangahulugang lumalaki ng lumalaki ang mga bundok o lupain ang kailangan nitong sirain.
Ang strip mining ay isa rin sa dahilan ng pagkaubos ng mga vegetation, mga natural na sustansya ng lupa, wildlife at habitat, at maging ng permanenteng pagkawasak ng topograpiya. May mga delikadong epekto rin ang strip mining o pagwasak ng lupa sa mga kalapit na kapaligiran kung kaya maraming mga natural na kagandahan din ang nasasakripisyo kagaya ng mga malalawak na tanawin at mga malilinis na tubig at yamang lupa. Ang mga bagay na mahalaga sa pagsasaliksik sa kasaysayan, ebolusyon, at pag unlad ng tao at mundo ay madalas ding nawawasak at nabubura ng stip mining kung kaya maraming mga bagay ang hindi na natuklasan ng mga tao pati na ang mga magagandang kuluturang nalimot natin dahil sa mga matitinding pagpapasabog, pagbubungkal, at paghuhukay ng malalim para makakuha ng coal. Ang mga aktibidadis na ito ay nagbubunga ng mga resulta na sadyang napakadelikado sa kalusugan hindi lang ng mga nagtatrabaho sa mga minahan kundi pati na rin sa mga kalapit na mga komunidad nito. Ito ay sa kadahilanang maraming mga iba’t ibang uri ng mapanganib na kemikal na may iba’t ibang kulay at amoy ang nailalabas sa pagmimina ng coal na humahalo/sumisira rin sa ating tubig at hangin.
Marami nang mga komunidad ang nagprotesta at nakipaglaban para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at buhay. Sa iba’t ibang parte ng mundo, ang mga tao ay punong puno na sa mga pang aapi at pang aapak ng mga kurap na gobyerno at mayayamang negosyanteng nagpapatakbo ng mga coal plant. Hindi lang polusyon at mga heavy metals ang literal na pinsalang dinudulot nito kundi pati na rin ang pagkawasak ng mga pamilya at pamumuhay ng mga tao dahil sa pagkawala o pagkasira ng kanilang mga lupang pinagkukuhanan ng hanap-buhay/pagkain. Dagdag pa rito, ang pagguho rin ng mga minahan ay isang uri rin ng kapinsalaang kaakibat ng coal mining na kumitil ng libo libong buhay sa iba’t ibang parte ng mundo. Sa North Rhine-Westphalia, Germany halimbawa, libo libong mga kabahayan ang gumuho at nasira dahil sa mga paglindol na dulot ng coal mining. Noong 2008, sa may Saar Region din ng Germany, may isang malaking minahan ang gumuho dahil sa lindol na may lakas na 4.0 magnitude at nadamay rin ang mga kalapit na lugar nito kung kaya pinatigil ang proyektong ito dahil sa mga gumuhong mga kabahayan. Bilang isang tugon sa problemang ito, ang gobyernong US ay naglabas ng batas na tinawag na Surface Mining Control and Reclaimation Act of 1997 nag naguutos sa pagbawi ng mga mining sites na ito. Gayunman, ang batas na ito ay tila hindi epektibo dahil na rin sa kurapsyon ng mga nasa gobyerno.
--------------------------------------------
Epekto sa tubig
Ang open pit mining ay nangangailangan ng napakaraming tubig para sa mga iba’t ibang preparasyon sa planta at pagmamaneho ng mga dust at wastes products nito. Upang masuportahan ito, kinakailangang kumuha ng tubig mula sa mga pinagkukunan ng mga agricultural o domestic uses, na siya naming nagpapatigil sa mga importanteng operasyon na ito. Kapag ang mga pinagmumulan ng mga tubig kagaya nito ay nasira at nabago ang kalagayan, hindi na ito magiging prodaktibo kagaya ng dati. Ang underground mining ay kahalintulad din nito, at ito rin ay nangangailangan ng napakaraming tubig kung kaya hindi rin ito ligtas at kapaki-pakinabang. Ang mga suplay naman sa groundwater ay naaapektuhan din ng mga polusyong galing sa mga minahang ito at dahil dito magkakaroon din tayo ng problema sa ating suplay sa hinaharap. Marami pang mga negatibong dulot ang coal mining sa ating suplay sa tubig at nararapat na hindi na maghintay pa ang mga tao na mangyari ang mga susunod.
Ang acid mine drainage, small toxic elements, mataas na bilang ng mga solid wastes na napupunta sa tubig, at iba pang mga sediments ay nagdudulot rin ng napakatinding deteryorasyon sa kalidad ng ating tubig, sa ilalim at maging nang sa ibabaw o surface kagaya ng mga ilog. Ito ay nagkokontamina sa pamamagitan ng iba’t ibang lason kagaya ng pyrite na nagiging sulfuric acid kapag nahahalo sa tubig at hangin. Habang ang mga tubig ay nababanwas mula sa mga minahan, ang mga acid na ito ay napupunta rin sa iba pang mga katubigan kung kayat patuloy rin ang pagdami ng mga sulfuric acid kahit na tumakbo man o matigil ang operasyn ng mina. Kung kaya, ang mga surface waters na ito ay minsan hindi na magandang gamitin sa ating agrikultura, pagkonsumo sa bahay, o maging nang sa pagligo o anumang gamit nito sa pang araw-araw.
Kung kaya sabi nila, upang maiwasan ang ganitong mga problema, kinakailangang i-monitor ng mabuti ang mga coal mines na ito. Ang limang mga pangunahing teknolohiya na ginagamit sa pagkontrola ng daloy ng tubig sa mga coal mines ay ang mga sumusunod:
Diversion systems
Containment ponds
Groundwater pumping systems
Subsurface drainage systems Subsurface barriers
---------------------------
Maraming mga negatibong epekto ang coal sa kalusugan ng tao na napatunayan at natuklasan sa mga minahan, pagawaan, combustion waste storage, transport at iba pa. Ang ilan sa mga ito ay ang:
1. Maagang pagkamatay ng mga tao sa ganitong uri ng lugar
2. Madalas na pagkaka-ospital dahil sa respiratory problems
3. Pagkakaroon ng Black lung disease galing sa coal-dust
4. Pagkakaroon ng sakit sa puso o heart problems
5. Pagkakaroon ng cancer, osteroporosia, ataxia, at renal dysfundction
6. Pagkakaroon ng chronic bronchitis, asthma attacks, etc.
7. Pagbaba ng IQ at pagkasira ng nervous system
Maraming mga negatibong epekto ang coal sa kalusugan ng tao na napatunayan at natuklasan sa mga minahan, pagawaan, combustion waste storage, transport at iba pa. Ang ilan sa mga ito ay ang:
1. Maagang pagkamatay ng mga tao sa ganitong uri ng lugar
2. Madalas na pagkaka-ospital dahil sa respiratory problems
3. Pagkakaroon ng Black lung disease galing sa coal-dust
4. Pagkakaroon ng sakit sa puso o heart problems
5. Pagkakaroon ng cancer, osteroporosia, ataxia, at renal dysfundction
6. Pagkakaroon ng chronic bronchitis, asthma attacks, etc.
7. Pagbaba ng IQ at pagkasira ng nervous system
Pisikal na Epekto
Sa report tungkol sa mga epekto ng coal noong November 2009 na galing sa Physicians for Social Responsibility (PSR) napag-alamang hindi lamang sa respiratory system ng tao nakaka-apekto ng masama ang coal kung hindi pati na rin sa cardiovascular at nervous system.
Respiratory Effects
1. Pagkamatay ng maaga – ayon sa 2004 report ng Clain Air Task Force, umaabot ng halos 24,000 ka tao ang namamatay taon-taon dahil sa coal power plant
2. Ang coal combustion ay nakakapag-contribute sa smog sa pagre-release nito ng oxides of nitrogen. Ang mga air pollutants na tulad nito ay sadyang mapanganib sa ating lungs
3. Ang polusyon sa hangin ay nakaka-trigger sa pag atake ng asthma, na kadalasang nakaapekto sa mga bata. Sa ngayon ay tinatayang may nasa mahigit sampung libo ang nao-ospital dahil sa asthma taon-taon.
4. Ang mga polusyon dulot ng coal ay isa rin sa mga napakagrabeng dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease, isang napakadelikadong sakit sa baga.
Cardiovascular Effects
1. Ang polusyon sa hangin ay isa sa mga pinakadahilan ng ating mga sakit. Katulad ng respiratory disease, ang cardiovascular disease ay maaaring ihalintulad sa pulmonary inflammation at oxidative stress. Ito ay napatunayan sa pagsasaliksik sa hayop at ng sa tao. Kung kaya ang mga polusyon sa hangin dulot ng coal ay magdudulot ng mga ganitong uri ng sakit at maaaring maging dahilan ng mga problema sa puso o magdudulot ng heart attack, na siya ring madalas dahilan ng pagkamatay
2. Isinasaad din sa mga research at iba pang uri ng pagsasaliksik na ang nitrogen oxides kasama ang ibang mga pollutants ay siyang madalas dahilan ng pagkakaospital at mga fatal cardiac rhythm disturbances. Ang mga siyudad na may mataas na antas ng pag gamit ng NO2 ay may mas mataas din na death rates.
3. May mga cardiovascular effects din sa pangmatagalang exposure sa mga polusyong ito. Sa katagalan ng taon, ang exposure ng tao sa mga polusyong ito ay nagiging dahilan ng kanyang pagkamatay. Sa mga lugar naman na hindi gaanong esposed sa mga ganitong uri ng polusyon, mas mahaba ang buhay ng karamihan.
Nervous System Effects
1. Ayon sa PSR report, ang nervous system ay isa rin sa mga target ng polusyon dulot ng coal. Ang mga epektong ito ay madalas nagiging dahilan ng stroke at iba pang cerebral vascular disease.
2. Maraming mga pag aaral ang nakapagpatunay sa koneksyon ng coal pollution sa kaso ng stroke. Ito ay mapapatunayan rin sa mga records mismo ng mga ospital.
3. Ang coal ay may kasamang mercury, na kapag nasunog ay humahalo sa ating hangin at iba pang mga bagay sa ating paligid na siyang magdudulot ng kasiraan sa mga parte ng ating katawan lalo na ng atak. Ang coal-fired plant ay kilalang responsable sa napakalaking imesyon ng mercury sa ating hangin at maraming mga mananaliksik at eksperto ang nagsasabing halos kalahati sa bilang ng mga bata sa US ay may traces ng mercury sa kanilang dugo dulot ng iba’t ibang polusyon at ang coal. Ito ay ang dahilan ng mga karamdaman sa utak ng mga bata kadaya ng autism at iba pa.
4. Ayon din sa mga eksperto sa Harvard University’s School of Public Health, ang mga buntis na babaeng nae-exposed sa mataas lebel ng diesel particulates or mercury ay may mataas na tsansang magka anak ng autistic kompara sa mga hindi gaanong exposed sa mga polusyong dulot ng coal. Ang findings na ito ay na-published noong 2013 issue ng Environmental Health Perspectives (EHP), isa sa mga napakalaking pagsasaliksik tungkol sa air pollution at autism.
-----------------------------
Masasamang Epekto Ng Coal Mining
1. Ang pag release ng sobrang Methane, isang napaka potent greenhouse gas na sinasabing isa sa mga pinakadahilan ng global warming
2. Ang pag release ng sobrang carbon monoxide dahil sa mga pangpasabog ng mga minero nito, na siya ring napakamasama sa hangin at sa baga ng tao
3. Ang pag produce ng mga coal-dust at mga coal particles ng sadyang napakadelikado sa ating katawan at makakapagdulot ng kamatayan dahil sa matinding problemang maihahatid nito sa ating respiratory system
4. Ang matinding pagkasira at pagkabago ng landscapes lalo na dulot ng mountaintop removal, kagaya ng mga nangyayari sa US na siyang nagdudulot ng krisis sa agrikultura dahil sa pagkawasak ng mga natural na sistema ng kalikasan
5. Polusyon sa tubig dahil sa acid mine run off at coal sludge
Hazardous pollutions galing sa coal plant:
1. Carbon dioxide
2. Sulfure dioxide
3. Nitrogen oxide
4. Particulate Matter (PM)
5. Smog
6. Mercury
7. Arsenic
8. Lead
9. Cadmium
10. Selenium
11. Boron
12. Other heavy metals
Mining Hazards
Ang matagal at paulit ulit na exposure ng minero sa coal dust ay siyang dahilan ng black lung disease at maging ng fatal pneumonia na siyang kumitil sa mahigit 10,000 ka taong nagtatrabaho sa mina sa buong mundo sa nakalipas na dekada. Ang mga minero ay madalas ring nagkakasakit ng iba pang delikadong sakit kagaya ng mga pangmatagalang respiratory ailments, industrial bronchitis, atbp. Sila rin ay madalas biktima ng mga sakuna sa loob o sa labas ng mga minahan ng coal na madalas mangyari kada taon.
Mountaintop Removal
Sa mountaintop removal na pagmimina, na madalas ginagawa sa US, sadyang literal na pinapasabog ang ibabaw ng bundok para lang makuha ang tinatawag na coal seams. Kasama ang mga waste products na napupunta sa mga kalapit na mga bundok, ang mga polusyong naiiwan nito ay nagdudulot ng permanenteng kasiraan at masamang epekto. Ayon pa sa ulat ng Sierra Club, napakatindoi ng kasiraan ang naidulot ng gawaing ito sa tubig, hangin, hayop, mga kagubatan, at komunidad lalo na sa mga katutubo. Alam ng mga mining companies na ito at mga gobyernong pumoprotekta sa kanila ang mga bagay na ito ngunit hanggang ngayon wala pa rin silang tunay na solusyon para dito.
Coal Combustion
Ang coal ay hindi isang magandang uri ng source of energy sapagkat napakahirap nitong itaguyod. Ang pagsusunog nito ay nakakapag release ng iba’t ibang matatapang na mga nakalalasong sangkap at kemikal na madalas nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga tao. Ang coal combustion ay nakakapag-release ng nitrogen oxides, sulfur dioxide, particulate matter (PM), mercury, at marami pang ibang mgg bagay na kilalang hazardous sa ating katawan. Sa US, ang mga coal companies na nagbebenta ng kuryente ay mas malaki ang naidudulot na polusyon kaysa sa ibang mga kompanya. Ayon pa sa opisyal na ulat, mahigit 380,000 tonelada ng air pollutants ang nailalabas ng 400 na planta sa US kada taon. Kahit sa iilang mga lugar lang matatagpuan ang mga plantang ito, apektado pa rin ang maraming mga bansa sa polusyon at problema dulot nito. Tinatayang nasa mga 13,000 ka tao ang namamatay kada taon dulot ng mga coal plants na ito.
----------------------------
maawa naman kayo sa tao at kalikasan na bigay ng panginoon...
ReplyDelete