Wednesday, March 5, 2014

Ang Masamang Epekto ng Fast Food (Junk Food)


Marami na ang nakakaalam na ang mga pagkain sa fast food kagaya ng Jolibee, McDonals, KFC, at iba pa ay mataas sa fats, sodium, MSG (monosodium glutamate), asukal, ngunit mababa sa sustansya ng prutas, gulay at fiber. Pero ito ay naibebenta pa rin nila dahil ito ay patok sa panlasa ng masa at ito ang kadalasang mas mura kompara sa iba. Bukod pa rito, napakaganda ng pagkakagawa ng mga advertisements nito sa telebisyon at ito ay pino-promote ng mga sikat na artista. Ngunit sa katagalang pag kain ng mga tulad nito, kaunti pa lang ang nakakaalam na napakalaki at napakaseryoso ng kasiraang naidudulot nito sa katawan ng tao. Ito ang ilan sa mga epekto ng pagkain ng fast food.


Calories
Ang mga pagkain sa fast food ay napakataas sa calories kung kaya sinasabing isa ito sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng obesity sa US. Ang calories sa mga pagkaing ito ay sobra sobrya kung kaya madaling nagkakasakit ang mga taong madalas kumain sa mga kainang tulad nito.


Insulin at Type 2 Diabetes
Mas mataas ang tsansang magkaroon ng type 2 diabetes ang mga taong madalas kumain sa fast food, ayon sa ulat ng isang pag aaral noong 2005 sa US. Ayon sa 15 taong pag aaral na ito, ang taong mas malakas kumain sa fast food ay may mas mataas na resistance sa insulin kung kaya mas madalas ito ay tinatamaan ng hypertension, dyslipidemia, at cardiovascular disease.


Fats at Cardiac Events
Kadalasang pagkain sa fast food ay mayaman sa fat ngunit wala gaanong prutas at gulay. Ang prutas at gulay ay nakakatulong sa pagbalanse ng mga pagkaing mataas sa fat, binabawasan (ngunit hindi inuubos) ang mga masasamang epekto nito sa blood vessels. Ayon sa pag aaral ni Dr. Gary Plotnick, cardiologist ng University of Maryland Medical Center, sa loob lang ng tatlo hanggang limang oras pagkatapos kumain ng fast food, nagiging abnormal agad ang kilos ng ating blood vessels. Ito ang kadalasang nagiging dahilan ng heart attack o pagka stroke ng tao. 


Depression at Addiction
Ayon din sa mga tagapagsaliksik, ang pagkain sa fast food ay nakakapagdulot ng depresyon. Kumpara sa mga taong hindi gaanong kumakain ng fast food, ang mga taong madalas kumain rito ay mas nagkakadevelop ng depresyon dahil sa mga sangkap na matatagpuan sa mga pagkaing ito, ito ay ayon sa article ng “Public Health Nutrition” noong March 2012. Ayon din sa article ng “Current Drug Abuse Review” noong September 2011, may mga pag aaral din na nagsasabing ang pagkain daw sa fast food ay addictive.

Mula kay Ivy Morris ng - www.dailyfitnesscenter.com

--------------------


PAANO MAIWASAN O MAPIGILAN ANG MASAMANG EPEKTO NG FAST FOOD 

Ang fast food ay ang dahilan ng napakalaking epidemya ngayon ng diet-related na mga sakit. Ito ay madalas nagiging pang habang-buhay na problema ng ating mga kabataan. Halos isa sa kada tatlong bata sa US ngayon ay overweight o kaya ay obese. Pero hindi lang yan, ang mga maaari pa’ng maging epekto ng pagkain ng fast food ay sakit sa puso,cancer, sakit sa atay, asthma, at type 2 diabetes. 




Ang marketing nito sa mga kabataan 

Dumarami ngayon ang mga pagsasaliksik at ebidensyang nagpapatunay na ang pagbabawas ng junk-food marketing at advertising sa mga kabataan ay isa sa mga solusyon upang maiwasan ang problemang epidemya ng mga pagkakasakit kagaya ng obesity at diabetes. Dahil dito ang White House at apat pa na mga ahensya ng gobyernong US ay nagrekomendang dapat itigil ang pagpo-promote ng junk food sa mga kabataan. Ang American Academy of Pediatrics naman ay nagrekomenda ng national policy na magbabawal sa pagbebenta ng mga junk food sa mga bata. Dagdag pa rito, ang mga malalaking organisasyon rin kagaya ng World Health Organization ay umamin na may koneksyon ang fast food marketing sa pagkakasakit ng mga kabataan, lalo na sa US. Kung kaya ito ay nangangahulugan na sa ngayon ay may malawakang panawagan na protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan laban sa mga industriyang gaya ng McDonalds, Jollibee at iba pa na napaka agresibong nagbebenta ng mga junk food sa mga bata. 


Ang papel ng mga doktor at health professionals 

Ang mga doktor at iba pang mga health professionals ay may mahalagang papel upang obligahin ang mga fast/junk food industry na ito ng baguhin ang kanilang estratehiya. Libo-libo na ring mga tao ang sumusuporta sa panawagang ito. Una, ang American Academy of Pediatrics ay nagrekomenda ng national policy na magbabawal sa pagbebenta ng mga junk foods. Pangalawa, mahigit 2500 na mga institusyon at health professionals ang pumirma sa “open letter to McDonald’s CEO”, na nananawagan sa pagtigil nito sa pagbebenta ng mga junk food sa mga bata. 


Junk foods sa mga ospital 

Sa US, marami ring mga health professionals ang nanawagan na dapat tigilan ang pakikipag kontrata ng mga ospital sa mga fast food industry. Ito ay isang malinaw na isang ka-hipokrituhan dahil sa unang una, ang mga fast/junk food na ito ay ang dahilan kung bakit nagkakasakit at nao-ospital ang mga kabataan, ngunit bakit sa kabilang banda naman ay binibenta ito sa kanila? 


Ang pressure sa mga fast/junk food industry 

Sa ngayon, makikita na natin ang impact ng mga health professionals sa mga industriyang ito. Pagkalipas ng isang taon mula ng mga pagprotestang ito, mapapansin mo talaga ang pagbabago sa takbo ng klima sa publiko. Dumami ang mga media coverage at mga dayalogo sa isyung ito, at nagsimula na rin itong bigyang pansin ng mga mambabatas. Kung kaya, naramdaman na rin ng mga fast food industry na ito ang pressure dulot ng protestang ito. Ito ang ilan sa mga naging epekto: 

1. Itinigil ng Jack In The Box, ang panglima sa mga pinakamalaking hamburger chain sa US, ang kanilang pagbibigay ng libreng laruan sa mga bata 

2. Ang mga sikat na mga food corporations gaya ng Olive Garden at Red Lobster ay boluntaryong nagbawas ng fat, salt, at calories sa kanilang mga pagkain lalo na sa mga pambata 

3. Nagdagdag ng prutas (apple slice) ang McDonalds sa kanilang mga Happy Meals at niliitan din nito ang laki ng kanilang french fries para sa mga bata 


---------------------



No comments:

Post a Comment