Ang soda ang isa sa pinakadahilan ng pagkakasakit ng mga tao ngayon sa US, lalo na ng diabetes. Marami sa mga tao sa lugar na ito ay nakakaubos ng dalawang lata ng soda araw araw. Ang iba naman ay “diet soda” ang iniinom dahil ayon sa kanila, mas ligtas daw ito dahil mas kaunti ang asukal. Ang hindi alam ng karamihan ay pareho lang itong delikado sa katawan ng tao at nakakapagdulot pa rin ng sakit gaya ng problema sa kidney. Ang malungkot, sikat na sikat pa rin ito at kadalasang iniinom maging pati ng mga bata. Bahagyang tumaas ng doble ang bilang ng mga batang tumatangkilik nito sa loob lang ng isang dekada, ito ay ayon sa pagsasaliksik ng American Journal of Clinical Nutirtion. Kasama na ang matatanda, umabot sa halos 25% ang consumption rate nito.
Problema sa Kidney
Ang diet soda ay napakasama para sa ating kidney. Sa isang pag aaral sa Harvard Medical School ng umabot ng labing isang taon (11 years) sa tatlong libong (3,000) babae, ang diet cola ay may malaking koneksyon sa unti unting pagkasira ng kanilang kidney. Mas lumala pa ng husto ito mula nang madoble ang kanilang pag inom ng diet cola sa araw araw. Sinasabi ng mga eksperto ng pag aaral na ito na ang “diet sweeteners” ay isa sa mga responsable sa pagkasirang ito.
Pagkabago/pagkasira ng metabolismo
Ayon sa pag aaral ng University of Minnesota noong 2008 sa halos sampung libong (10,000) matatanda, kahit isang diet soda ay may koneksyon sa 34% na antas ng metabolic syndrome, ang kasama sa mga sintomas na belly fat at mataas ng kolesterol na siyang dahilan ng mga sakit sa puso. Kahit hindi pa man gaanong malinaw ang koneksyong ito sa ibang aspeto ng pag aaral, hindi ba sapat nang malaman na napaka delikado nito kung kaya kinakailangang iwasan?
Obesity
Ang diet soda ay hindi talaga nakakapagpapayat ng katawan. Sa pag aaral ng University of Texas Health Science Center napag-alamang ang mga taong mas malakas uminom nito ay may mas mataas rin na tsansang maging obese at overweight. Sadyang napakalaki ng porsyentong maidadagdag mo sa tsansa mong maging obese kapag ikaw ay malakas uminom ng mga diet soda. Bakit? Dahil sa artificial sweeteners! Ito ay may napakalakas na kakayahang sirain ang natural na abilidad ng ating katawan na i-regulate ang calorie intake basi sa tamis ng pagkain, ito ay ayon sa pag aaral sa isang hayop sa Purdue University. Ito ay nangangahulugan rin na ang mga taong mas malakas uminom ng diet cola ay madaling magutom dahil sa artificial sweeteners kung kaya magiging malakas pa rin silang kumain.
Malalang Hang Over
May mga tao rin na mahilig uminom ng mga diet cocktails kagaya ng Vodka Diet halimbawa. Ang mga inumin naman daw na ito ay mas malakas nakakapagpalasing dahil sa halo nitong diet soda, ayon sa pag aaral sa Royal Adelaide Hospital sa Australia. Dahil raw sa ang mga “sugar-free” mixers na hinahalo rito ay mas nakakatulong sa pagpapabilis ng pagpunta ng alkohol sa iyong bloodstream, na siya ring nakakapagpalakas ng tama at maging ng hang over nito.
Kasiraan sa ating cell
Ang mga diet soda ay naglalaman ng isang bagay na wala gaano sa ibang mga soda: sodium benzoate at potassium benzoate, at ito ay nasa halos lahat ng diet soda. Karamihan sa mga cola ng Coke at Pepsi ay wala ang preservative na ganito. Dahil ang kemikal na ito ay napakadelidako sapagkat ito ay nakakasira ng matindi sa ating DNA sa puntong pinapatigil nito ang function ng ating genes. Ito ay ayon sa pag aaral ng isang molecular biology at biotechnology professor sa University of Sheffield sa United Kingdom noong taong 1999. Ang preservative na ito ay may malaking koneksyon sa mga problemang gaya ng hives, asthma at iba pang allergic conditions, ayon sa Center for Science in the Public Interest. Ito ang dahilan kung kaya ang ibang mga kompanya ay hindi na gumagamit ng ganitong uri ng preservative sapagkat alam na nilang napakasama ng epekto nito sa katawan ng tao. Ang malungkot, ang Diet Coke at Diet Pepsi ay ginamitan pa rin ng preservative na kahalintulad nito, ang potassium benzoate. Hindi alam ng marami na ang dalawang ito ay pareho lang na napakadelikado at hindi dapat gamitin bilang panghalo sa mga pagkain. Ayon pa sa Food Commission in the UK, ang dalawang ito ay sinasabing nakakairita sa balat, mata, at mocous membranes.
Ang diet soda ay may pH na 3.2 kaya ito napaka acidic (bilang basihan, ang pH ng battery acid ay 1. At tubig na 7). Ayon sa pag aaral sa University of Michigan, ang mga taong umiinom ng tatlo o mahigit pang soda sa isang araw ay may malalang kalagayan sa dental health. Mas marami sa kanila ang may mga sira sirang ipin, butas sa ipin, at fillings.
Reproductive Issues
Sa totoo lang, pareha lang talagang delikado ang mga sodang ito diet man o hindi. Halos ang lahat ng mga ito ay naglalaman ng isa sa mga pinakadelikadong halo na tinatawag na bisphenol A (BPA) na isang uri ng endocrine disruptor, na siya ring isa sa mga pinakadahilan ng mga malalalang sakit gaya ng heart disease, obesity, reproductive problems, cancer at iba pa. Kung kaya, kinakailangan talagang iwasan ang pag inom ng mga sodang ito.
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, PUMUNTA SA MGA LINKS NA ITO:
http://www.bibliotecapleyades.net/ciencia/ciencia_industryweapons55.htm
http://wellnessmama.com/379/reasons-to-avoid-soda/
http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2011/03/04/new-diet-sodas-can-cause-strokes.aspx
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, PUMUNTA SA MGA LINKS NA ITO:
http://www.bibliotecapleyades.net/ciencia/ciencia_industryweapons55.htm
http://wellnessmama.com/379/reasons-to-avoid-soda/
http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2011/03/04/new-diet-sodas-can-cause-strokes.aspx
No comments:
Post a Comment